Introduction, Panimula, Simula
Ano ba ang Introduction? Simula? Panimula? Foreword? Preface? Ano nga ba at para saan ito? Sino bang lukoloko ang nagsimula ng pasimula o introduction na nagsisimula ng mga dapat simulan o nagpapakilala at nagpapanimula? (Ano daw?) Kahit ako ay naguguluhan na. Pero gaano nga ba kaimportante ang magkaroon ng simula? Isipin mo na lang, kung walang simula edi wala ng kahit ano. Paano mag eexist ang isang bagay kung hindi natin ito sisimulan? Hindi ba? Paano nga ba? A basta, malay ko din eh. Kaya ko lang naman ginawa ang post na to ay para iintroduce sa world wide web ang isa na naman katarantaduhan este isang weblog na nasa ilalim ng pamamahala ng inyong lingkod. Teka, hindi po ako si lingkod ang pangalan ko po ay Nerie Joy Santos. Ayan! 'Yan nga ang pangalan ko! Pero hindi ko naman sinabing tandaan mo kasi hindi ko naman gaanong ginagamit ang pangalan ko sa net. Yung iba tinatawag akong Rain dahil yun ang madalas kong gamitin na username, screenname at kung ano-ano pang name. Pero ikaw na bahala kung ano ang gusto mong itawag sa akin. Pwede rin naman Ate, Kuya, Bunso, Nanay, Tatay, Lolo, Lola, Tyahin, Tiyo, Pinsan, Bantay...nasasayo iyon.
Kung itatanong mo naman ang edad ko, may nagsasabing muka na daw akong trenta anyos, pero utang na loob, parang awa n'yo na huwag kayong maniniwala dahil kinse, tama, kinse anyos pa lang ako! HA HA HA! Itanong mo man sa birth certificate ko na nasa NSO. Tama po and birthdate ko don, mali lang ang apelyido, pero wag na nating pag-usapan yun.
Ayan, alam n'yo na po na 15 yrs old pa lang ako kung kaya't humuhingi po ako ng paumanhin sa mga nakatatanda sa paraan ng pagsusulat o pagta-type ko sa blog na ito.
Ako po ay tubong San Miguel pero hindi po ako tumubo, ipinanganak po ako (normal). Una po kaming tumira sa baranggay Sta. Rita (New) at ngayon po ay nandito na kami sa baranggay Camias, along the high way po kami, national road. he he
Nag-aral po ako, opo, tama, nakapag-aral po ako, sa San Miguel North Central School ng elementarya. Sa kasalukuyan ay senior student na po ako sa San Miguel National High School. Nandon ako sa section ng mga abnormal. he he.
Abnormal kasi hindi normal. Pero madami akong masasabi sa section namin na 'yon. Abangan n'yo na lang kung interesado pa kayong magbasa ng post ko matapos n'yong basahin ang post ko na ito.
Ok. Ano pa ba? Aha! Nasusunog ang sinaing. Sandali lang.
Ayan, eto na ko ulit. Ang bilis no? Hmm.. Masasabi kong hindi ako normal. Marami na ring nagsabi n'yan. Maaring hindi ako angat sa ibang mga kabataan pero kakaiba naman ang mga pinaggagagawa ko at ang takbo ng isip ko. Nako..tama na! Masyado ng nagiging personal ang mga sinasabi ko dito.
Pagusapan na lang natin ang mga kinahihiligan ko. Unang una sa lahat... Mahilig po ako sa music pero hindi tulad ng tipikal na kabataang sumusunod sa uso...ako po yung tipo ng tao na naaappreciate ang halos lahat ng music genres...lalong lalo na ang classical music o yung musika noong romantic period. Gayon pa man, rakista pa rin ako! He he. At ang paborito ko pong banda ay ang "Parokya ni Edgar" ng 'Pinas! Syempre. Suportahan natin ang musikang pinoy. Pangalawa sa mga kinahuhumalingan ko ay ang mga pelikula. Pero pili lang ang mga local films na gusto ko.
Pagdating naman sa blog na 'to..oo..tama..itong blog nga na to! Wala lang, gusto ko lang kasing may mapaglagyan ng mga bagay o kaisipan na tumatakbo sa isip ko. Maaring opinyon sa isang issue, maari rin namang kwento tungkol sa mga sarili kong karanasan o kaya'y mga maikling kwento o tula na sarilik kong akda. Maari rin naman maging daan para i-share ko sa inyo ang ilang mga katutuwang bagay na natuklasan ko o nalaman. Sayang naman kasi, hindi ba? Ikaw ba, bakit ka nagbabasa? He He. Pero maraming salamat sa konting panahon na inilagi mo dito. Sana nawa ay magkita tayong muli sa susunod kong mga posts. Maraming salamat po! Adios!
Ang may akda,
Nerie Joy
Labels: personal

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home