Sunday, December 3, 2006

Bakal, Bote, Bakit?



Bakit nga ba 'bakal bote' ang napili kong title ng blog na 'to? Hindi po 'yan dahil nag-babakal-bote ako o may ari kami ng junk shop. Sa totoo lang wala naman pong mabigat na dahilan. Naisip ko lang kasi isa ito sa pinakamalaking industriya sa Pilipinas. Walang biro! Baka nga mamaya ito pa ang magpaangat sa buhay nating mga Pilipino e. Kung magagamit lang ba ng tama, hindi ba? Sa dami ba naman ng basurang nagkalat sa paligid natin e, talagang masasabi mong mayaman tayo sa basura.
Isa pa, ang pag-babakal-bote ay gawaing noypi! Tama! Noypi yan! Meron na ba kayong narinig na nag-a-iron-bottle? o metal-bottle? Wala pa naman siguro. Kasi ang mga tao sa ibang bansa, hindi na kailangan ng tagapulot ng basura nila.
Anong kinalaman ng "bakal-bote" sa blog na to?
Sabihin na nating dahil matatawag ko pang basura ang mga ipopost ko sa blog na 'to. Oo. Sino ba naman ang maniniwala sakin? o makikinig sa mga opinyon ko? Hehe. Syempre ang maniniwala lang sakin o yung mgakikinig ay yung mga nagbabakal-bote, o yung mga taong naniniwala pa na may pera sa basura. Haha. Joke lang. Basta yun na yon! (Matutulog na muna ako ha ^^,)
*i love pinoys, i am pinoy, we rock, pinoys!!!

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home