Rona
*Isinulat ko 'to nung nasa 2nd yr high school pa ko. Wala lang..gusto ko lang ilagay 'to dito at ibahagi sa inyo.
Malakas ang ulan noon, at walang nakakaalam kung nasaan s’ya. Walang nakakaalala kung ano ang iniwan n’yang salita bago s’ya umalis. Walang pera, lagi na lamang walang laman ang kanyang bulsa kundi ilang piraso ng sigarilyo na nahingi lamang n’ya. Sa isang banda nag-aalala na rin ang kanyang Tiyahin, ngunit hindi n’ya ito batid. Nais lamang n’yang tumakas at kalimutan ang sakit na iniwan ng nakaraan.
Siya si Rona, maglalabing anim na taon pa lamang siya. Dapat sana’y nasa ikatlong taon na siya sa mataas na paaralan kung hindi lamang s’ya tumigil sa kalagitnaan ng taon. Sa kanyang mukha hindi masasagi sa iyong isip na s’ya ay isang biktima ng mga kapahangasan na dulot ng sarili n’yang mga magulang. Masayahin, palakaibigan, maaasahan, mabait…ito sana ang masasabi mo sa kanya ngunit ilang panahon na rin ang lumipas. Ngayo’y tila hindi na s’ya kilala ng kahit na sino man.
Mabilis ang mga yabag ng kanyang paa habang naglalakad sa ulan. Tila may humahabol sa kanya, ngunit hindi s’ya makalayo na para bang hinihigop s’ya nito. Hindi n’ya maiwasan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Muli, ng bumagsak ang mga perlas na ito ay naalala n’ya ang mga oras na umiiyak s’ya sa dati nilang magarang bahay.
“Lintek!” madalas na bulalas ng kanyang ama sa tuwing darating ito mula sa trabaho na sakay ng isang magarang kotse. Muli, marahil ay isang hindi magandang balita na naman ang nakarating sa kanya patungkol sa kanyang asawa. Balitang tumatapak sa kanyang pagkalalaki.
Sampal, kung hindi naman ay suntok. Hindi malilimutan ni Rona ang bawat sigaw at ang bawat pagmamakaawa ng kanyang ina sa mga oras na iyon. Kung ang bawat suntok ng kanyang ama ay tumatagos sa mga buto, tunay na masmasakit ang makita mong ginagawa ito ng iyong ama sa sarili mong ina.
“Walang puso, isang dimonyo…” patuloy n’yang sambit habang naglalakad. Matagal na iyon, ngunit sariwang sariwa pa rin sa kanyang isipan.
Mula noo’y naging mabilis na ang mga pangyayari. Naghiwalay ang kanyang mga magulang. Siya at ang kanyang dalawa pang kapatid ay napunta sa puder ng kanilang ina, kung saan inisip nilang ito ang nararapat.
Subalit ngayon, kahit anino ng kanyang ina ay hindi na n’ya alam kung nasaan. May nagsabing sumama na ito sa ibang lalaki. Sa lalaking kahit sa panaginip ay hindi n’ya nakita.
Halos wala ng ulan ng makarating s’ya sa isang maliit na bahay na hindi tiyak kung may nakatira pa. Dito sinalubong s’ya ng isang babaeng halos kasing edad lamang n’ya. Halos makita na ang kaluluwa nito sa blusa at sa maong nitong suot na tila ba dating pantalon na ginupit lamang at hindi pa nagpantay.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong nito kay Rona.
Agad itong pumasok sa loob. Magulo, makalat. Hindi lamang mga damit na marumi at mga pinagkainan ang iyong mamamasdan, nagkalat rin ang napakaraming basyo ng mga inumin. Ilang hakbang pa ay makikita ang isang tumpok ng mga kabataan na tila ba wala pang tulog nitong mga nakalipas na mga araw.
Nakapanginginig ng laman. Hindi mo maiisip na ito ay isang katotohanan. Maraming bumabagabag sa isipan ni Rona. Naalala n’yang muli ang isang tao na matagal na n’yang kakilala. Isang taong kamakailan lamang ay nagpakilala bilang nakatatandang kapatid n’ya. Hindi n’ya lubos maisip na kadugo n’ya ang taong ito. “Ngunit sa papaanong paraan?” natanong n’ya sa kanyang sarili. Ang alam nya’y s’ya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Ngunit kamakailan lamang nalaman n’yang sila na pala ang pangalawang pamilya ng kanyang ina. Halos labing anim na taon ding ipinagkait sa kanya ang katotohanan, ang katotohanang kailanman ay hindi sumagi sa kanyang murang kaisipan.
Oo. Nawala na nga ng tuluyan ang dating Rona. Sinong makakapagsabi na sa maikling panahon, magbabago ang lahat.
Halos sumikip ang dibdib n’ya ng mga oras na iyon. Nalimutan n’ya ang nangyayari sa kanyang paligid. “Heto, at magbihis ka muna.” wika ng isang dalaga na inaabutan s’ya ng ilang piraso ng damit pangpalit. “Madali ka.”
Madali s’yang nagbihis na hindi batid kung kaninong mga mata ang nakatitig sa kanya. Ilang sandali pa’y nabibilang na rin s’ya sa tumpok ng kabataan. Umiinom na tila wala sa lugar ang pagsasaya. Pilitin mang mag-usap ay hindi sila nagkakarinigan dahil sa malakas na ugong na nagmumula sa dalawang malaking speaker sa salas.
Maya-maya pa ay isang lalaki ang lumapit sa kanya upang yayain s’yang magsayaw. Sa gabing iyon, mga sigaw at kantyawan ang maririnig mula sa mga kabataang nais takasan ang realidad.
Si Rona, na tanging luha ang nagsisilbing sandata, sa sandaling ‘yon ay nakisabay sa maruming agos ng buhay. Ang mga sumunod na pangyayari’y hindi na n’ya napigilan. Tila ibang tao na ang kumokontrol sa kanyang katawan. Ang alak ang nagbigay sa kanya ng lakas na sandaling kalimutan ang lahat.

Labels: literature, personal

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home