tb.exclusive.part1::ang lasa ng monay
*para lamang sa mga sikat*halos tao na pala ako. magsisimulang magkolehiyo. nakakatuwa rin pala. kahit sobrang init ng panahon, paran halo-halo pa rin ang pakiramdam.
nakakatuwa, nakakalungkot, nakakatakot, nakakaantok, nakakapagod, nakakahiya, nakaka...nakaka...naka......naka........nakatapak ng tae! ay sus. nagtetext pa kasi.
habang ginagayak ko ang mga gamit ko. nakita ko ulit ang mga diploma ko. diploma nung kinder, elementary, at ang pinakalatest, diploma sa hayskul. ibaiba ng itsura. pagkasulat. disenyo. ang sarap punasan gamit ang basahang dinilaan este basahang may pledge.
nakikita ko ang mabilis na pag ikot ng mundo ko. ang dami na rin pa lang nangyari. parang kaylan lang pinapaliguan pa ko ng nanay ko sa poso. pagkatapos tatambay sa malaki at bukas na bintana. magpapahangin. at makakatulog habang kinukutuhan . ang sarap sa pakiramdam.
ang nanay ko ang una kong guro. tinuruan nya akong magsulat at magbasa. natutuo naman ako. ang kasi nga lang pag nagsulat ako ng pangalan, sa kanang bahagi ng papael ako nagsisimula papunta sa kaliwa. kaya mo lang malalaman na nerie joy b. santos ang pangalan ko kapag iniharap mo sa salamin ang papel ko.
limang taon ako ng unang puamasok sa eskwelahan. kinder. wala akong bantay hindi gaya ng ibang bata. kaya pag uwian na at wala pa yung sundo ko, napapa....amm....napapaiyaaaa........ay hindi....napapangawa na lang ako. lagi akong naiiwang mag isa habang ang ibang bata ay kasama ng kanilang mga nanay at nakauwi na at nanunod ng ng paborito nilang palabas sa tv. dahil wala akong ginawa kundi ngumawa habang nag aantay ng sundo...naisipan ng teacher kong si Gng. Lydia F. Nicolas na turuan akong ngaumawa este tumula. para hindi nga naman masayang ang oras, di ba? kahit luhaan pa ako at humihikbi.
kapapanganak lang ng nanay ko noon kaya hindi knya ako nababantayan. wala rin syang alam sa mga pinaggagagawa ko sa eskwelahan. hindi man lang nya nalaman na nakipagdate na ako sa isa kong kaklase nung kinder (rcp ang initials hehe). hanggang sa dumating ang isang araw. malapit na ang graduation, nagulat na lang s'ya na abutan s'ya ng isang pape na may lamang speech. ipakabisa daw yun sa akin.....
nakakatuwa talagang maging bata. kahit dolyar nga kinikita ko noon. samantalang ngayon, pang nightshift lang di pa ako makahagilap. aww.
(....wait to be continued pa toh!)
Labels: literature, nonsenz, notes, personal, txtblog

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home