Thursday, May 31, 2007

“Instead Of Saying I Love You”

I know everything will come to an end
These dreams of mine will never come true
I hate to say goodbye sweet love
You don’t even say you love me too

You said you want me beside you
But I can’t bear seeing you in pain
Goodbye now I don’t have guts to stay
Let me forget this stupid friendship love we’ve shared

xxrain13xx

Labels: , ,

Wednesday, May 30, 2007

tb chapter II :: ang hudas at ang kamote

29/05/2007 02:19PM





Akala ko may mapapala akong maganda sa pag
babasa ng “Ang Paboritong Libro Ni Hudas” ni Bob Ong na ipinahiram sa akin
ng isa sa mga mabubuti kong kaibigan na si mayorbinbin. Excited pa naman ako
dahil first time kong magbasa ng akda ni Bob Ong. Pero nagkamali ako. Sasabihin
ko sayo. Wala akong napalang mabuti. Maniwala ka sakin.





Dahil sa pagbabasa ng librong to
(eto, sa tabi ko bobo.), (1) nalipasan ako ng gutom. Hindi ko alam kung
naranasan din yun ng mahal kong kaibigan na si Angeli Palma, pero ako, oo. (2)
wala akong almusal. Kaya nagtyaga sa tira tiring sinabawang pusit kagabi. (3)
Napagalitan ng nanay. (4) Nasabihang tamad (pero totoo naman e). (5) Hindi
napanood ang paborito kong Sponge Bob Square Pants. (6) Naging lula at
nakalimutan ang ipinabibili ng nanay. (pork o chicken? pork o chicken? pork o
chicken? pork o chicken? pork o chicken? pork o chicken? pork o
chicken!!!!!!!!!!!!!!!). (7) Hindi nakapag friendster. (8) Nasayang ang unli
dahil walang kapiem. (9) Napanis ang laway. (10) Tumatawang mag-isa. (11)
Nanilip (Ay! Ano ba yan!). (12) Sumakit ang mata, batok, likod, tiyan, bato,
puwet, braso, kamay, kilikili, panga, baga, ilong, pisngi at tainga.





Kaya pano mo masasabing nakabuti
ito sa akin? Gayon pa man, dahil nabasa ko ng buo ang libro, masasabi nating nag
enjoy talaga ako. At take note, ito ang unang book na nabasa ko ng buo ngaung
taon.





Hindi talaga ako mahilig magbasa.
Maging libro, magazine, tabloid, boso, tiktik, hubad, hubo pa ito. O kahit ano
pa mang babasahin. Ilang novel na rin ang nasimulan kong basahin. Ang kaso
madali akong mainip at mabilis mawala ang interes ko pag hindi ko na gusto ang
mga pangyayari sa buhay ng bida. Pag ganon, wala na akong pakealam kung mabuhay
o mamatay o operahan pa ang alaga n’yang hermit crab.





Sa ngayon ay nagbalik na ako sa
realidad. Kung saan wala na ang impluwensya ng libro. Nananabik sa nilagang
kamote na ayon sa nanay ko e ipinabili KO DAW(?) sa kanya. Hindi man ako
sigurado, mabuti na rin yon. Ayoko na ng saging e, nakakat*bi pala ‘yon! Hehe.


*Credits
mayor
bob ong

Labels: , , , ,

tb chapter I :: gutom

28/05/2007 10:39PM

Nagload ako kanina para sana sabihing
“Hoy! Punumta ka sa school!” Pero di ko nagawa. Bakit? Hindi ako unli? Pwede.
Pero hindi. Naisip ko kasi na pauwi na rin ako nun kaya hindi na niya kailangan
mag wisikwisik at pumunta pa sa eskwelahan.





Hindi nga? Tama. Hindi nga ako
nag lunch. Bakit? Hindi ko din alam. Siguro dahil sa kakaisip kung san kakain ay
sobra na akong nagutom at tuluyan ng nakalimutan kung paano kumain. Ipipikit ba
ang mata? Tatakpan ang ilong? Iiwanan and daliri sa loob ng tenga? Pano nga ba?





Naalala ko na lang ng makauwi
ako sa bahay at kumain ng saging habang nag iintay ng nakabisikletang nag
titinda ng monay at bitso-bitso. Pero walang dumating. Nakipag ligawan na ko sa
mga tambay sa kabilang kalsada, pero wala pa rin talaga. Hanggang sa nainip na
ako at di na umasang s’ya ay darating pa. NANG bigla bigla ay dumating ang
isang lola na may dalang mahiwagang paying at mahiwagang basket na naglalaman ng
merienda. Pero pinalagpas ko s’ya…ngunit dahil sa pangambang magsidungaw ang
mga bulate ko sa puwit at magreklamong nagugutom na sila, hindi na rin ako
nakatiis. Buti na lang kamo at nakipag tsikahan pa ang lola mo sa kanyang amiga,
kung kaya’t naabutan ko s’ya at nakabili ako ng kanyang tinda.





Iniisip ko kung anong dapat
kainin para hindi magutom sa loob ng ilang araw. Kung bato kaya? Hindi yun
natutunaw di ba? Pero parang masakit pag inilabas lalo na kung may kataliman ang
mga gilid nito. (Oops! Wag mong isipin!)





Pagkatapos kong patayin ang
computer kong bulok na tagibang ang CPU na nakasandal sa pader (Joke lang. Wag
ka sabing mag isip e.), naghilamos ako at nagsipilyo. Muli, nakaramdam na naman
ng pangungulila ang aking tiyan. Naisip ko tuloy, hindi kaya may nuno sa punso
sa loob ng tiyan ko?





Kumain ako ng saging pampalipas
gutom. (Wala kang pake kung saging na naman.) Naalalako tuloy ang ulam kong
adobong pusit na parang sinigang sa sobrang dami ng sabaw. Galit ako sa kanya!
Kanino? Sa pusit! Bakit? Dahil di s’ya nagtagal sa tyan ko. Iniwan n’ya ako
kaagad. At heto ko ngayon, nangungulila, nagugutom…





*Magkabati pa kaya ang pusit
at…umm…sino nga yon?…ah!…ako!…ako?! Abang sa mga susunod pang kabanata.
Tsk…tsk…

Labels: ,

TxtBlog(tb) Trial

*Bago ang lahat. Dumaan sa isang 30 parts msg trial ang
TxtBlog na ipinadala lamang sa mga sikat. Hehe. At eto nga yon…..basa.





Txt-Blog


(Trial Version
*edited)





Warning: This msg
contains texts and languages that are not suitable for young readers yet
parental guidance is still not recommended.





Sa tagalog…





Paunawa: Ang mensahing
ito ay naglalaman ng mga letra at lenguaheng hindi nababasa ng mga ambisyosang
bata na hindi pa pumapasok sa eskwelahan kung kaya wag ng mag tangkang abalahin
at kulitin pa ang mga magulang na nanunuod ng Wowowee para gabayan kayo sa
pagbasa. Sinasabi ko sa inyo, magagalit lang sila.








Warning#2: No porn stars
were hurt during the creation of this text.





Kaylangan ko pa bang tagalugin? Ok…





Paunawa blg.2: Walang
pokpokitang dalaginding na nag niningning dahil sa make up at glitters sa mukha
ang nasaktan, dahil sila ay natuwa pa nga at kinilig sa di malamang kadahilanan,
sa pagkakagawa ng mensahing ito.








0517/07, Thu, 10:36PM, 23^C





Author: Badongski
Manilenski





Msg starts here…





Ay lintek, dito pa lang pala magsisimula…





Magandang araw po sa inyong lahat. Wala
kayong aasahan sa walang kakwenta kwentang mensahing ito. Ito lamang po ay
napagtripan ko at walang magandang hangarin at hindi rin po makatutulong sa
pagpapatalsik sa nakatayong parang nakaupong presidente ng Pilipinas.





Ito po ay 30parts msg ngunit
mariin ko pong sinasabi na hindi po ito humahamon sa kagalang galang nating hari
at reyna ng mga gm.





Kaiba po sa kanila, tinatawag ko po itong TxtBlog na
naglalaman ng kaisipan at katarantaduhan ng mayakdang walang magawa dahil walang
kapiem na nagtyatyaga. Hehe. Hindi ko rin po ito pagtyatyagaang isend sa lahat
ng kakilala ko, maging tagahanga man ito o katunggali. At dahil ito po ay trial
version lang, hindi po tayo makasisiguradong masusndan pa ito. Napagtripan ko
lang po talaga ngunit nagsilbi na rin po itong hamon sa sarili kong kakayahan. (Teka,
wag n’yo na ngang pansinin to, hehe. Eto na lang basahin n’yo………)








GM o Group Msg:


Ano Nga Ba
Ito??





Pag usapan natin ang tungkol sa dalawang letrang to na
talamak na talamak sa textosphere...ang GM.





GM(jiem) stands for Group
Message. Ito ay isang msg na isinesend sa pamamagitan ng “send to group”,
“send to list”, o “send to many” na mga options na makikita sa iba’t
ibang klase ng cell phone. (Kung walang gantong option ang cp mo, ipinapayo kong
dahan-dahan itong ilapag sa sahig, tapaktapakan, at ipamarikit sa apoy kung
sakaling magbrown out na naman.) Sa gantong paraan, maipadadala mo sa lahat ng
iyong mga kafriendship ever ang isa mong mensahe. Kinakailangan lamang na
nakaregister ka sa unlitxt upang hindi masayang ang bente pesos na kinupit mo sa
bulsa ng tatay mo na s’yang mong pinangload.





Ok. Ang isa pang katanungan na
sumagi sa kukote kong walang laman ay kung ano-ano ang mensahe ng sender sa
bawat gm na pinadadala nya sa halos lahat ng mga contact numbers sa phone book
nya? At anong klase ba s’yang gm sender? Hm…ano nga kaya? O, bawal mag isip…Mag
basa ka na lang muna.





Eto ang ilan sa mga maaaring
kasagutan…hmm,ikaw ba ‘to???





1. Napapapansin sa Crush
– nagjijiem ka, pero ang totoo ay gusto mo lang magpapansin sa o magparamdam
at itext ang crush mo. Nagbabakasakali kang magrereply s’ya at magkakapiem
kayo kahit alam mong kasama n’ya ang jowa n’ya ngayon. Hehe.





2. Walang Kapiem
Walang nakaaalala sayo. Daig ka pa ni Inday na founder pala ng clan n’yo. Kung
kaya nagjijiem ka para may makapiem ka kahit mukha pa s’yang aso.





3. Sinusulit ang Unli
Kinain na naman ng globe ang dos pesos mong extraload kaya nagalit ka. So
napapasaload ka ng onse pesos pang nightshift. Gumawa ka ng 30parts msg gaya
nito at isenend sa 164 mong contacts para makabawi.





4. Ganado lang Basta
Wala lang. In born lang na ganado. Apatnapung clan na ang sinalihan mo at
syempre lahat ng miyembro nito ay maya’t maya mong pinadadalan ng jiem para
mag gain ng reputation at hindi matanggal sa clan.





5. a10tionator – Para
kang bulletin board. Lahat ng ammouncement, pati sale sa tback sa Walter Gapan
ijinijiem mo!





6. Sadya lang na Madaldal
– pala kwento ka ngunit alang nagtyatyagang makinig sayo, kung kaya sa gm ka
bumabawi at nagkukwento. Pati first affair ni Ate Guy, chinichika mo.





7. Feeling Fanatxt Star
– Feeling mo lahat ng tao nakasubscribe sa fanatxt at ikaw ang bidang artista.
Kung kaya pati pagsisintas ng sapatos at pagpunta mo sa banyo ijinijiem mo!





8. May Quotation Stock
Eto yung mga taong hindi yata nauubusan ng quotations. Para hindi naman masayang
at maibahagi rin sa iba ang bawat quotes or jokes…jiem ang sagot!








O, ano? Nakita mo ba yung sarili
mo? Hehe peace! Ilan lang ‘yan sa napakaraming maaaring dahilan o mensahing
pinararating ng bawat gm na natatanggap natin araw-araw. Ngunit maging ano pa
man ‘yan, sana ay maappreciate pa din natin ang bawat text msg na natatanggap
natin. Dahil lahat ng iyan ay may effort, pinagbubuhusan bg oras at panahon,
pinakakagastusan, pinag-iisipan at pinagpapaguran. Tama ba o mali?





Hanggang ditto na lang. Wala man
kakwenta kwenta ang mga sinabi ko sa taas, hindi n’yo man nagustuhan, kung
nagalit man kayo o nasuklam, pinaaabot ko pa rin sa inyo ang buong puso kong
pasasalamat. Sa pag open n’yo pa lang ng msg na to, napasaya n’yo na po ako.
Salamat. <*rain*>





Para sa inyong mga katanungan,
suhestyon, rekalmo, komento, opinion, tulong, dasal, gift certificate, relief
goods, bakal, bote, bigas, resibo, bayad… I-type ang STOP at I-send sa 2870.
Siguradong hindi ka na makapagrereklamo. J


*Credits
ikaw
ako
blogger
globe
nokia
kontrapelo
mayorhanipay

Labels: , ,

Ano Na Bang Meron??? Sagot: TB!!! TxtBlog!!!

Wala pa pala akong friends dito hehe. Masyadong busy e. Hindi ko na nga makuhang i-update ang blog na to o maging ang friendster ko. Kung kaya nakaisip ako ng isang bagay na hindi dapat iniisip. Tinatawag ko tong “txtblog” kung saan sa text ko idinadaan ang mga thoughts, opinions, at kung ano-ano pang pinaggagagawa ko sa buhay ko. At isinesend ko ito sa mga friends ko. Medyo walang kwenta dahil nasa cell phone lang. Pero dahil sa unlitxt nagkakaroon kagad ako ng mga instant readers, instant comments, instant kagalit, instant noodles, instant message, at kung ano-ano pang instant. At kung magkakaroon ako ng pagkakataon ipopost ko dito ang bawat txtblog na gagawin ko. Para naman may mangyari dito sa blog kong ito! Ok. Ready ka na??? Magkita tayo sa mga susunod kong post! Babu!

Labels: , ,

Friday, May 18, 2007

Rona

*Isinulat ko 'to nung nasa 2nd yr high school pa ko. Wala lang..gusto ko lang ilagay 'to dito at ibahagi sa inyo.

Malakas ang ulan noon, at walang nakakaalam kung nasaan s’ya. Walang nakakaalala kung ano ang iniwan n’yang salita bago s’ya umalis. Walang pera, lagi na lamang walang laman ang kanyang bulsa kundi ilang piraso ng sigarilyo na nahingi lamang n’ya. Sa isang banda nag-aalala na rin ang kanyang Tiyahin, ngunit hindi n’ya ito batid. Nais lamang n’yang tumakas at kalimutan ang sakit na iniwan ng nakaraan.

Siya si Rona, maglalabing anim na taon pa lamang siya. Dapat sana’y nasa ikatlong taon na siya sa mataas na paaralan kung hindi lamang s’ya tumigil sa kalagitnaan ng taon. Sa kanyang mukha hindi masasagi sa iyong isip na s’ya ay isang biktima ng mga kapahangasan na dulot ng sarili n’yang mga magulang. Masayahin, palakaibigan, maaasahan, mabait…ito sana ang masasabi mo sa kanya ngunit ilang panahon na rin ang lumipas. Ngayo’y tila hindi na s’ya kilala ng kahit na sino man.

Mabilis ang mga yabag ng kanyang paa habang naglalakad sa ulan. Tila may humahabol sa kanya, ngunit hindi s’ya makalayo na para bang hinihigop s’ya nito. Hindi n’ya maiwasan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Muli, ng bumagsak ang mga perlas na ito ay naalala n’ya ang mga oras na umiiyak s’ya sa dati nilang magarang bahay.

“Lintek!” madalas na bulalas ng kanyang ama sa tuwing darating ito mula sa trabaho na sakay ng isang magarang kotse. Muli, marahil ay isang hindi magandang balita na naman ang nakarating sa kanya patungkol sa kanyang asawa. Balitang tumatapak sa kanyang pagkalalaki.

Sampal, kung hindi naman ay suntok. Hindi malilimutan ni Rona ang bawat sigaw at ang bawat pagmamakaawa ng kanyang ina sa mga oras na iyon. Kung ang bawat suntok ng kanyang ama ay tumatagos sa mga buto, tunay na masmasakit ang makita mong ginagawa ito ng iyong ama sa sarili mong ina.
“Walang puso, isang dimonyo…” patuloy n’yang sambit habang naglalakad. Matagal na iyon, ngunit sariwang sariwa pa rin sa kanyang isipan.

Mula noo’y naging mabilis na ang mga pangyayari. Naghiwalay ang kanyang mga magulang. Siya at ang kanyang dalawa pang kapatid ay napunta sa puder ng kanilang ina, kung saan inisip nilang ito ang nararapat.

Subalit ngayon, kahit anino ng kanyang ina ay hindi na n’ya alam kung nasaan. May nagsabing sumama na ito sa ibang lalaki. Sa lalaking kahit sa panaginip ay hindi n’ya nakita.

Halos wala ng ulan ng makarating s’ya sa isang maliit na bahay na hindi tiyak kung may nakatira pa. Dito sinalubong s’ya ng isang babaeng halos kasing edad lamang n’ya. Halos makita na ang kaluluwa nito sa blusa at sa maong nitong suot na tila ba dating pantalon na ginupit lamang at hindi pa nagpantay.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong nito kay Rona.

Agad itong pumasok sa loob. Magulo, makalat. Hindi lamang mga damit na marumi at mga pinagkainan ang iyong mamamasdan, nagkalat rin ang napakaraming basyo ng mga inumin. Ilang hakbang pa ay makikita ang isang tumpok ng mga kabataan na tila ba wala pang tulog nitong mga nakalipas na mga araw.

Nakapanginginig ng laman. Hindi mo maiisip na ito ay isang katotohanan. Maraming bumabagabag sa isipan ni Rona. Naalala n’yang muli ang isang tao na matagal na n’yang kakilala. Isang taong kamakailan lamang ay nagpakilala bilang nakatatandang kapatid n’ya. Hindi n’ya lubos maisip na kadugo n’ya ang taong ito. “Ngunit sa papaanong paraan?” natanong n’ya sa kanyang sarili. Ang alam nya’y s’ya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Ngunit kamakailan lamang nalaman n’yang sila na pala ang pangalawang pamilya ng kanyang ina. Halos labing anim na taon ding ipinagkait sa kanya ang katotohanan, ang katotohanang kailanman ay hindi sumagi sa kanyang murang kaisipan.

Oo. Nawala na nga ng tuluyan ang dating Rona. Sinong makakapagsabi na sa maikling panahon, magbabago ang lahat.

Halos sumikip ang dibdib n’ya ng mga oras na iyon. Nalimutan n’ya ang nangyayari sa kanyang paligid. “Heto, at magbihis ka muna.” wika ng isang dalaga na inaabutan s’ya ng ilang piraso ng damit pangpalit. “Madali ka.”

Madali s’yang nagbihis na hindi batid kung kaninong mga mata ang nakatitig sa kanya. Ilang sandali pa’y nabibilang na rin s’ya sa tumpok ng kabataan. Umiinom na tila wala sa lugar ang pagsasaya. Pilitin mang mag-usap ay hindi sila nagkakarinigan dahil sa malakas na ugong na nagmumula sa dalawang malaking speaker sa salas.

Maya-maya pa ay isang lalaki ang lumapit sa kanya upang yayain s’yang magsayaw. Sa gabing iyon, mga sigaw at kantyawan ang maririnig mula sa mga kabataang nais takasan ang realidad.

Si Rona, na tanging luha ang nagsisilbing sandata, sa sandaling ‘yon ay nakisabay sa maruming agos ng buhay. Ang mga sumunod na pangyayari’y hindi na n’ya napigilan. Tila ibang tao na ang kumokontrol sa kanyang katawan. Ang alak ang nagbigay sa kanya ng lakas na sandaling kalimutan ang lahat.

Labels: ,

Aym Alayb Agen

After 100 yrs muli kong naalala ang username ng blog na ito at naisipang magpost at ipagpatuloy ang nasimulan. 2007 na ngayon.. nakagraduate na ko ng high school, nakapag enroll n ko sa isang university at halos matatapos na din ang bakasyon. Ano ng balita? Hindi ko man lang nalagyan ng shoutbox ang blog ko.. ammm sige mamaya. So, amm since college na ko this school year, wala lang. hehe siguro madalang ko man mabuksan ko, pero gusto kong ituloy tuloy, tutal, info tech ang course ko hehe. ammm.. ano nga ba... sige, hanggang dito na lang muna. basta ako nagbabalik na! ok? miss ko na toh..hehe tssup!

Labels: