SMS Quotes
~~~
maybe i don't really know you that well,
i don't know how you exactly act...
but..
those things will not keep me away from you..
cuz those are my reasons why i'm here..
"to know you much better!"
~~~
When my life is a mess..
When my heart has been crushed..
and i'm wearing a frown..
When i breakdown and cry..
when i'm terribly blue..
can i comfort myself by saying:
"i still have you?"
~~~
i care for you
i guess i always will
for whenever i'm sad
you make me laugh
whenever i feel alone
you were there for me
so is it ok if i ask you
"pwede wag mo ko iwan?
di ko kasi kaya pag nawala ka!"
~~~
my days are too busy,
my hours are too fast.
my rest are too few..
but there's always a time for me to say...
"ingat ka lagi ha, kundi mag aalala q..."
~~~
alam ko darating yung araw
na mawawalan tayo ng communication
dami tayo makikilala..
magiging kaibigan pero sana wag umabot
sa sitwasyon na sabihin mo sakin na..
"you look familiar, have we met before?"
~~~
minsan kailangan mo maghintay
minsan kailangan mo mag tiis
minsan kailangan mo umasa
para mapadama mo sa taong mahal mo
na handa mong gawin lahat para sa "kanya"
kahit...
pagod ka na!
~~~
kapag iba ang nasaktan
ayos lang
kapag ako ang lumuha
ok langpero pag ikaw ang umiyak
la lang..
sisigaw lang ako
"tangina!..
mahalaga sakin yan!
bakit nyo ginaganyan!"
~~~
kaya ko bang mawala ka?
maagaw ng iba?
makakaya ko kaya pag umalis ka..?
dahil may iba ka na?
kakayanin ko lahat kung ikakasaya mo,
pero kaw?
kaya mo kayang makita akong umiiyak...
dahil sayo?='(
~~~
i feel sad pag di kita nakikita..
i get hurt each time you ignore me..
i'm jealous pag may kasama kang iba..
shit! gustong gusto kitang ipagdamot!
pero naisip ko..
bakit, sakin ka ba?,=
~~~
too many "if's"
too many "i'll try's";
too few "hello's",
too many "goodbye's"
its just the way life is,
don't let it get you down
because hey,
you still have ME
hanging around..=)
~~~
i could never make things
the way i want them to be..
i could never have them all..
but inspite of this
i want you to know
my life was never empty
cuz someone like you
has been a part of it..thank you..
~~~
masasaktan ka ba
kung iiwas ako sayo?
kung kakalimutan kita?
kung magkakaroon ako ng iba?
siguro hindi
pero bago ko gawin yun,,
gusto kong malaman mo
na mas masasaktan ako sa gagawin ko..!
~~~
i can't promise to solve all you problems
but i can listen and try to understand you
because sometimes all you need
to find the solution is someone to remind you:
"kaya mo yan! kaw pa!=)"
~~~
when noone seems to listen..
when noone seems to care..
just always remmember that
whenever a tear falls down your cheek
i will wipe it for you
hug you tight
and whisper
"sshhh..i'm still here..!"
~~~
bakit pagnasaktan ka hirap magpatawad
lalo na kung nanakit ay special sayo.
pero ang totoo di ako galit sa nagawa nya,
di ko lang talaga matanggap na
wala pala akong halaga sa taong
pinahalagahan ko ng sobra..
~~~
when things try to hurt you..
i'll be around to soothe you..
i'll hold and hug you..
while sayin' promise!
i won't let you bear the pain alone!_'=)
~~~
alam mo miss na kita
di na kasi tayo nagkakasama tulad dati!
miss ko na yung tawa mo
smile mo
lahat sayo..
pero alam mo kung ano yung pinakamiss ko?
yung pakiramdam ng nasa
........"TABI MO!"............
~~~
I HARDLY HAVE TO SPEAK MY WORDS
FOR YOU TO KNOW JUST WHAT I'M SAYIN'..
YOUR SPECIAL AND I WANT YOU TO BE SURE
THAT NO MATTER WHERE I GO,
WHOM I'LL MEET AND WHAT I'LL DO-
I'LL NEVER FIND ANOTHER YOU...
~~~
lam mo masaya ko!
kasi nakilala kita
nakatext kita
at nalapit ka sa puso ko.
pero alam mo kung ano pinakamasaya
sa lahat?
yung mga oras na pinapangiti mo ko
habang magkatext tayo..
~~~
sa lahat ng taong daaan sa buhay mo
kilatisin mo yung di marunong magsawa
at mangiwan
madami kasing epal d'yan,
wala daw iwanan, kung kelan mo pinahalagahan,
saka ka lalayasan..='c
~~~
everyday i ask God
why i have someone
like you in my life
last night i had a dream..
God answered my prayer
w/ a simple sentence..
"..you deserve a friend that never fades."
~~~
have you experience bein' fooled?
like when somebody promise that they'll stay
but just left u alone?
hah!
who needs them anyway?!
uhmm, u have me right?
di ako nangiiwan!
~~~
i'll reach your hand
in the cold of winter
i'll reach your hand
in the hit of summer
but if my short life
can't reach the dawn
of spring,
i promise,
in heaven i'll reach you
w/ my wings..
~~~
pano ba ang
tamang pagbati sa UMAGA?
GUDMORNING
luma na
GUD AM
maikli
MAGANDANG UMAGA
siryoso.
lam mo kung ano masarap pakinggan?
hmm...
"Can u smile for me this morning?"
~~~
someone asked me to describe
-Y-O-U-
in two words..
he expected me to answer the words..
"THE BEST"
but i didn't!
i just simply smiled and said:
"NOTHING COMPARES"=)
~~~
you know why i hate silence so much?
cuz when its quiet
when i'm alone
that's the moment i realize
i'm badly missin' our noise..='/
~~~
smiles are my kept tears,
behind my jokes are my hidden problems,
hindi man ako laging tunay na masaya..
sana..
nandyan ka lang pag di ko na kaya..='(
~~~
sorry for not being the best,
i tried naman eh.
sorry for not being perfect,
sinubukan ko naman eh..
sorry for not being what you expect me to be..
sorry po si "pangalan" lang kasi ako eh,
nasasaktan din. :c
~~~
the hardest part of missing someone
is not the absence of that person..
it's the part when all you can think of
are the sweet moments you've shared
and you ask yourself...
"mauulit pa kaya yung mga yun?!"
~~~
"the best kind of friend
is the one you could
sit on a porch with,
never saying a word,
and walk away feeling like
that was the best conversation
you've had."
~~~
i need a friend
who will be there to love me..
through ups and downs..
through thick and thin..
till death do us part.
so do i make a sense if i say
"can you stay?"
~~~
i miss the way you talk to me
or the way you say
'oi! musta na?!'
the way you wave and say
'ingat ka ha?!'
but the thing i miss most is when you say..
'uy!miz na kita..'
~~~
di ko inisip kung gaano ko ka-special sayo..
di ko inisip gano ko kahalaga sa isang tulad mo
pero sana habang wala ako..
masabi mo..
bakit walang makulet?
asan si "pangalan"?
~~~
nagseselos ako pag masyado kang malapit sa iba..
lalo na pag pinapakita mo na mahalaga sila sayo,
di dahil sa makasarili ako,
natatakot lang ako na baka mas sumaya ka sa kanila
at makalimutan mo na ko..={
~~~*sms quotes were brought to you by my cell phone's inbox... ..thank uLabels: literature, personal, quotes
A Beautiful Friendship Poem (dedicated to all my friends)
Are we friends or not?You told me once, but i forgot.
So tell me now, and tell me true.
So I can say I am here for you.
Of all the friends I have ever met
You are the one I'll never forget.
And if I die, before you do
I'll go to heaven and wait for you.
Labels: poem
Bakal, Bote, Bakit?

Bakit nga ba 'bakal bote' ang napili kong title ng blog na 'to? Hindi po 'yan dahil nag-babakal-bote ako o may ari kami ng junk shop. Sa totoo lang wala naman pong mabigat na dahilan. Naisip ko lang kasi isa ito sa pinakamalaking industriya sa Pilipinas. Walang biro! Baka nga mamaya ito pa ang magpaangat sa buhay nating mga Pilipino e. Kung magagamit lang ba ng tama, hindi ba? Sa dami ba naman ng basurang nagkalat sa paligid natin e, talagang masasabi mong mayaman tayo sa basura.
Isa pa, ang pag-babakal-bote ay gawaing noypi! Tama! Noypi yan! Meron na ba kayong narinig na nag-a-iron-bottle? o metal-bottle? Wala pa naman siguro. Kasi ang mga tao sa ibang bansa, hindi na kailangan ng tagapulot ng basura nila.
Anong kinalaman ng "bakal-bote" sa blog na to?
Sabihin na nating dahil matatawag ko pang basura ang mga ipopost ko sa blog na 'to. Oo. Sino ba naman ang maniniwala sakin? o makikinig sa mga opinyon ko? Hehe. Syempre ang maniniwala lang sakin o yung mgakikinig ay yung mga nagbabakal-bote, o yung mga taong naniniwala pa na may pera sa basura. Haha. Joke lang. Basta yun na yon! (Matutulog na muna ako ha ^^,)
*i love pinoys, i am pinoy, we rock, pinoys!!!
Labels: aktibista, opinyon
Introduction, Panimula, Simula
Ano ba ang Introduction? Simula? Panimula? Foreword? Preface? Ano nga ba at para saan ito? Sino bang lukoloko ang nagsimula ng pasimula o introduction na nagsisimula ng mga dapat simulan o nagpapakilala at nagpapanimula? (Ano daw?) Kahit ako ay naguguluhan na. Pero gaano nga ba kaimportante ang magkaroon ng simula? Isipin mo na lang, kung walang simula edi wala ng kahit ano. Paano mag eexist ang isang bagay kung hindi natin ito sisimulan? Hindi ba? Paano nga ba? A basta, malay ko din eh. Kaya ko lang naman ginawa ang post na to ay para iintroduce sa world wide web ang isa na naman katarantaduhan este isang weblog na nasa ilalim ng pamamahala ng inyong lingkod. Teka, hindi po ako si lingkod ang pangalan ko po ay Nerie Joy Santos. Ayan! 'Yan nga ang pangalan ko! Pero hindi ko naman sinabing tandaan mo kasi hindi ko naman gaanong ginagamit ang pangalan ko sa net. Yung iba tinatawag akong Rain dahil yun ang madalas kong gamitin na username, screenname at kung ano-ano pang name. Pero ikaw na bahala kung ano ang gusto mong itawag sa akin. Pwede rin naman Ate, Kuya, Bunso, Nanay, Tatay, Lolo, Lola, Tyahin, Tiyo, Pinsan, Bantay...nasasayo iyon.
Kung itatanong mo naman ang edad ko, may nagsasabing muka na daw akong trenta anyos, pero utang na loob, parang awa n'yo na huwag kayong maniniwala dahil kinse, tama, kinse anyos pa lang ako! HA HA HA! Itanong mo man sa birth certificate ko na nasa NSO. Tama po and birthdate ko don, mali lang ang apelyido, pero wag na nating pag-usapan yun.
Ayan, alam n'yo na po na 15 yrs old pa lang ako kung kaya't humuhingi po ako ng paumanhin sa mga nakatatanda sa paraan ng pagsusulat o pagta-type ko sa blog na ito.
Ako po ay tubong San Miguel pero hindi po ako tumubo, ipinanganak po ako (normal). Una po kaming tumira sa baranggay Sta. Rita (New) at ngayon po ay nandito na kami sa baranggay Camias, along the high way po kami, national road. he he
Nag-aral po ako, opo, tama, nakapag-aral po ako, sa San Miguel North Central School ng elementarya. Sa kasalukuyan ay senior student na po ako sa San Miguel National High School. Nandon ako sa section ng mga abnormal. he he.
Abnormal kasi hindi normal. Pero madami akong masasabi sa section namin na 'yon. Abangan n'yo na lang kung interesado pa kayong magbasa ng post ko matapos n'yong basahin ang post ko na ito.
Ok. Ano pa ba? Aha! Nasusunog ang sinaing. Sandali lang.
Ayan, eto na ko ulit. Ang bilis no? Hmm.. Masasabi kong hindi ako normal. Marami na ring nagsabi n'yan. Maaring hindi ako angat sa ibang mga kabataan pero kakaiba naman ang mga pinaggagagawa ko at ang takbo ng isip ko. Nako..tama na! Masyado ng nagiging personal ang mga sinasabi ko dito.
Pagusapan na lang natin ang mga kinahihiligan ko. Unang una sa lahat... Mahilig po ako sa music pero hindi tulad ng tipikal na kabataang sumusunod sa uso...ako po yung tipo ng tao na naaappreciate ang halos lahat ng music genres...lalong lalo na ang classical music o yung musika noong romantic period. Gayon pa man, rakista pa rin ako! He he. At ang paborito ko pong banda ay ang "Parokya ni Edgar" ng 'Pinas! Syempre. Suportahan natin ang musikang pinoy. Pangalawa sa mga kinahuhumalingan ko ay ang mga pelikula. Pero pili lang ang mga local films na gusto ko.
Pagdating naman sa blog na 'to..oo..tama..itong blog nga na to! Wala lang, gusto ko lang kasing may mapaglagyan ng mga bagay o kaisipan na tumatakbo sa isip ko. Maaring opinyon sa isang issue, maari rin namang kwento tungkol sa mga sarili kong karanasan o kaya'y mga maikling kwento o tula na sarilik kong akda. Maari rin naman maging daan para i-share ko sa inyo ang ilang mga katutuwang bagay na natuklasan ko o nalaman. Sayang naman kasi, hindi ba? Ikaw ba, bakit ka nagbabasa? He He. Pero maraming salamat sa konting panahon na inilagi mo dito. Sana nawa ay magkita tayong muli sa susunod kong mga posts. Maraming salamat po! Adios!
Ang may akda,
Nerie Joy
Labels: personal